Part 8 - "He Ascended to Heaven, and Sits on the Right Hand of the Father"
The Apostles' Creed • Sermon • Submitted
0 ratings
· 63 viewsNotes
Transcript
Introduction
Introduction
Ilang araw na lang malapit nang mag-Pasko. Sa lahat ng mga Christian holidays, ito ang napapansin nating nagiging pinakamahalaga. Tama namang pahalagahan ang araw ng kapanganakan ni Jesus kasi mahalaga ang incarnation, o yung pagkakatawang-tao ng Anak ng Diyos. Malaki ang doctrinal significance niyan na hindi iniintindi ng mga nagce-celebrate ng Christmas. Second siguro sa significance para sa mga Cristiano ngayon yung Holy Week, bilang pag-alala sa sufferings, death and resurrection of Christ. Next year, April 15 yung Good Friday, April 17 naman yung Easter Sunday. Mahalaga rin ‘yan kasi nagkakaroon tayo ng focused reflection sa central event of the gospel (1 Cor. 15:3-5).
Pero alam ba ninyo na sa kalendaryo ng Roman Catholic Church ay merong Ascension Day, May 26 next year, 40 days after Easter. Paggunita ito sa pag-akyat ni Jesus sa langit pagkatapos ng 40 araw niyang pamamalagi sa lupa matapos siyang muling mabuhay mula sa mga patay. But for most evangelical Christians, ni hindi tayo aware na may ganyan palang “feast” o “commemoration.” Totoo namang walang directive sa atin sa Scripture na mag-set aside ng mga days for Christmas or Holy Week. Pero merong good reason kung bakit natin ginagawa—to help us re-focus on the essentials of the gospel, na sana ganun nga ang nangyayari. Pero bakit wala tayong Ascension Day? Probably, ito ay indication na hindi natin ito nakikita na mahalaga. Bihira nga natin itong marinig sa preaching. Bihira rin sa mga worship songs. Bihira rin na magreflect tayo sa significance ng pag-akyat ni Jesus sa langit, sa doktrinang nakapaloob dito, at sa practical benefit nito sa araw-araw nating pamumuhay.
This neglect is unfortunate. Yes, napakahalaga ng message of the gospel, yung good news ng natapos nang ginawa ni Cristo sa krus. Pero mahalaga rin yung application ng gospel na ‘to sa atin, na dahil sa nagpapatuloy na gawa ni Cristo dahil sa kanyang pag-akyat sa langit at pag-upo sa kanang kamay ng Diyos. Ang good news ay hindi magiging good news para sa atin, hindi ito magiging kapakinabangan kung hindi ito makakarating at mailalapat sa atin. Kaya nung nagpipreach si Pedro at ang mga apostol tungkol sa muling pagkabuhay ni Jesus, talagang naging matapang sila, hindi tulad dati na duwag sila. Kahit sawayin at ikulong sila ng mga awtoridad, sige pa rin. “We must obey God rather than men” (Acts 5:29), sabi nila. Bakit ganito? Sabi nila, “The God of our fathers raised Jesus, whom you killed by hanging him on a tree. God exalted him at his right hand as Leader and Savior, to give repentance to Israel and forgiveness of sins” (Acts 5:30-31).
Hindi small matter ang pag-akyat ni Jesus sa langit. Buhay rin natin ang nakasalalay dito (“repentance and forgiveness”). Yung worth and dignity pa rin ni Cristo ang nakasalalay rito (“Leader and Savior”). At malaki ang kinalaman nito sa ikatatagumpay ng misyon na ibinigay sa atin ni Cristo (“We are witnesses to these things, v. 32; also 1:8).
Kaya mahalaga yung ascension (pag-akyat) at session (pag-upo) ni Jesus. Ito naman ang kainaman na pinag-aaralan natin ang Heidelberg Catechism at Apostles’ Creed. Napag-aaralan natin yung bihira nating pag-aralan, yung nakakaligtaan natin na napakaimportante pala. Hindi lang ito statement of doctrine, pero as we will see later, pati yung practical application nito sa buhay natin.
Nandito pa rin tayo sa Christology na bahagi ng Creed. Pinag-aaralan natin dito ang tungkol sa kung sino si Jesus at kung ano ang mga gawa ni Jesus. His work can be divided into two: humiliation and exaltation. Yung humiliation o pagpapakababa niya ay yung tungkol sa kanyang pagkakatawang-tao (incarnation), pagdurusa (passion), kamatayan sa krus (crucifixion), kasama yung pagbaba sa “impiyerno” tulad ng napag-aralan natin last week. Last week din ay sinimulan nating tingnan ang tungkol sa pagtataas sa kanya o exaltation, simula sa kanyang muling pagkabuhay (resurrection). Ngayon ay pag-aaralan natin yung ascension at session ni Jesus. Then next week, yung kanyang pagbabalik. “He ascended into heaven and is seated at the right hand of God the Father almighty.” Sa Tagalog, “Umakyat siya sa langit, at naluklok sa kanan ng Diyos Amang makapangyarihan sa lahat.” Sa Latin, “ascendit ad cœlos; sedet ad dexteram Dei Patris omnipotentis.”
Jesus’ Ascension
Jesus’ Ascension
Ang Anak ng Diyos ay tunay na Diyos at tunay na tao. Buong likas ng pagka-Diyos ay nasa kanya, buong pagka-tao (katawan at kaluluwa) ay nasa kanya. Yung incarnation niya bodily, yung resurrection niya bodily, yung ascension niya ay bodily rin. Totoong nangyari, hindi guni-guni lang, merong mga nakakita. Para bigyan ito ng historical confirmation, dalawang beses itong sinulat ni Luke “upang malaman mo ang katiyakan ng mga bagay na itinuro sa iyo” (Luke 1:4 AB). Ang isa ay sa dulo ng Luke, “Habang binabasbasan niya sila, siya'y umalis at dinala paakyat sa langit” (Luke 24:51 MBB). At ang isa ay sa simula ng Book of Acts na isinulat din niya as volume 2 ng Gospel of Luke, “Pagkasabi niya ng mga bagay na ito, habang sila'y nakatingin, dinala siya sa itaas at siya'y ikinubli ng ulap sa kanilang mga paningin” (Acts 1:9).
Historical at physical yung pag-akyat ni Jesus sa langit. Ibig sabihin, nananatili siyang tunay na tao hanggang ngayon. God-Man from the incarnation hanggang sa magpakailanman. Permanente na nasa kanya yung humanity natin hanggang ngayon. Dahil sa pakikipag-isa natin kay Cristo, para na ring nasa langit na tayo ngayon, ibig sabihin sigurado na makikibahagi rin tayo dun sa glory na meron siya ngayon. “For you have died, and your life is hidden with Christ in God. When Christ who is your life appears, then you also will appear with him in glory” (Col. 3:3-4).
Glory. Yun ang isang significance ng pag-akyat ni Jesus sa langit. Hindi lang ito physical na nasa itaas siya. Tulad ng pagbaba sa impiyerno, hindi nangangahulugan na geographically ay nasa ilalim ng lupa ang impiyerno. Bagamat historical at physical ang ascension, figurative din ito, nagpapakita ng exaltation o pagtataas o pagtatanyag na nararapat para kay Cristo. Kung paanong napakababa ng humiliation niya (“descended to hell”), gayon naman napakataas o napakatayog ng karangalan at kadakilaan at kapangyarihan na nasasa-kanya ngayon. “God has highly exalted him and bestowed on him the name that is above every name” (Phil. 2:9). Karapat-dapat siyang sambahin. Dahil siya’y Diyos at itinaas ng Diyos bilang Diyos at Tao na siyang dapat sambahin ng lahat! Kaya nga pag-akyat niya sa langit, ano ang ginawa ng mga disciples niya? “Siya'y sinamba nila at pagkatapos ay bumalik sila sa Jerusalem na punung-puno ng kagalakan. Palagi silang nasa Templo at doo'y nagpupuri sa Diyos” (Luke 24:52-53).
Dahil si Cristo ay muling nabuhay at umakyat sa langit, siya’y karapat-dapat sundin sa lahat ng bahagi ng buhay natin (Matt. 28:18). “Siya na bumaba rito sa lupa ang siya ring umakyat sa kataas-taasang langit para maging lubos ang kapangyarihan niya sa lahat ng bagay” (Eph. 4:10 ASD).
Dahil si Cristo ay umakyat sa langit, bumaba naman ang Banal na Espiritu, ang ikatlong persona sa Triune God. Physically, hindi na natin kasama si Jesus. Pero totoo pa rin ang sinabi niya na, “I am with you always” (Matt. 28:20), dahil ipinadala niya ang Espiritu na siyang ipinangako niya sa mga disciples niya, “Ang pag-alis ko'y sa ikabubuti ninyo, sapagkat hindi paparito sa inyo ang Patnubay kung hindi ako aalis. Ngunit pag-alis ko, isusugo ko siya sa inyo” (John 16:7). Na siya ngang nangyari sa araw ng Pentecost. Bumaba ang Espiritu, nagsalita ang mga disciples sa iba’t ibang wika na naiintindihan ng mga taong galing pa sa iba’t ibang bansa na dumating sa Jerusalem to celebrate the feast. Di nila naiintindihan kung ano ang nangyayari. Kaya ipinaliwanag sa kanila ni Pedro:
“Ang Jesus na ito ay muling binuhay ng Diyos at saksi kaming lahat sa pangyayaring iyon. Pinaupo siya sa kanan ng Diyos at tinanggap niya mula sa Ama ang ipinangakong Espiritu Santo. Ito ang kanyang ibinuhos sa amin, tulad ng inyong nakikita at naririnig. Hindi si David ang umakyat sa langit, kundi sinabi lamang niya (galing ito sa Psalm 110),
‘Sinabi ng Panginoon sa aking Panginoon,
“Maupo ka sa kanan ko,
hanggang lubusan kong mapasuko sa iyo ang mga kaaway mo.”’
“Kaya't dapat malaman ng buong Israel na itong si Jesus na ipinako ninyo sa krus ay siyang ginawa ng Diyos na Panginoon at Cristo!” (Acts 2:32-36)
Dito sa passage na ‘to magkakabit yung pagbibigay ng Espiritu (“ibinuhos sa amin”) at yung pagtatanghal kay Jesus bilang “Panginoon at Cristo.” At ang dalawang ito naman ay bunga ng magkakabit rin na pag-akyat ni Jesus sa langit at pag-upo niya sa kanan ng Diyos. Umakyat siya sa langit upang maupo sa kanan ng Diyos! Ngayon, ano ang ibig sabihin nun?
Jesus’ Session
Jesus’ Session
Itong citation ni Peter ay galing sa Psalm 110, na siyang pinakamaraming beses na nabanggit sa New Testament (Matt. 22:44; Mark 12:36; Luke 20:42, 43; Acts 2:34, 35). “Sinabi ni Yahweh, sa aking Panginoon, ‘Maupo ka sa kanan ko, hanggang lubusan kong mapasuko sa iyo ang mga kaaway mo’” (Psa. 110:1 MBB). Ito yung tinatawag na session ng Panginoong Jesus. Ano ang ibig sabihin ng naupo siya sa kanang kamay ng Diyos?
Hindi naman ito literal. Bagamat may physical body si Jesus at pwede siyang maupo, pero wala namang kamay, o kanang kamay ang Diyos Ama. So, this is figurative and metaphorical. Tumutukoy saan? “To denote the supreme dignity and sway (rule/control) of Christ” (Francis Turretin, Institutes, 2:369). Yung karangalan at kapangyarihan na kapantay ng Diyos Ama. Kaya nga binanggit din yung “God the Father almighty” sa section na ‘to ng Creed. Yun naman ang pagka-Diyos ni Cristo simula’t simula pa. “The Father almighty, the Son almighty,” ayon nga sa Athanasian Creed. Equal in dignity ang Ama at Anak. Pero dahil ang Anak ay naging tao at nagpakababa, yung dignity at glory niya ay natatakpan. So ang layunin ng pag-akyat at pag-upo ni Jesus ay para maipahayag ng Diyos ang kadakilaan at kapangyarihan ng kanyang Anak at ating Panginoon at Tagapagligtas.
Dalawang bagay yung binanggit ni Turretin tungkol dito sa ibig sabihin ng pag-upo sa kanan ng Diyos. Yung una, “the supreme majesty and glory by which he was most highly exalted by God and received a name above every name (Phil. 2:9, 10). At sa Heb. 1:3, After making purification for sins, he sat down at the right hand of the Majesty on High.” Ikalawa, “the supreme dominion which he powerfully exerts over all creatures and which he shows especially in the government and defense of the church.” Ipinaliwanag ito ni Pablo sa 1 Cor. 15:25, “Si Cristo'y dapat maghari hanggang sa malupig niya at lubusang mapasuko ang kanyang mga kaaway.” Comprehensive ang saklaw ng paghahari ni Cristo—“with angels, authorities, and powers having been subjected to him” (1 Pet. 3:22).
So yung tungkol sa kanyang pag-upo, sabi ni Kevin DeYoung, hindi lang ito tumutukoy sa pamamahinga kasi napagod ka. Tumutukoy ito sa “completion.” Lahat ng kailangang gawin para kaligtasan natin ay na-accomplished na ni Cristo. “That’s why it’s thrilling to think that Jesus is seated at the right hand of God. His work is finished. He accomplished all that was needful for our salvation.”
Pero hindi ito nangangahulugang pakuya-kuyakoy na lang si Jesus at wala na siyang ginagawa. Sabi ni G. I. Williamson, wag daw nating isipin na ang Panginoong Jesus ay “inactive” o walang ginagawa dahil nakaupo siya. “To the contrary, he is just as active today on behalf of his people as he ever was while he was here on earth” (The Heidelberg Catechism: A Study Guide, 86-87).
Yung pag-upo niya ay hindi passive, kundi active. Siya ang nag-iisang Tagapamagitan sa Diyos at sa atin, at yung mediatorial work niya ay nagpapatuloy hanggang ngayon. Oo, natapos na yung paghahandog niya ng sarili niya sa krus, sinabi na niya, “It is finished.” Pero hindi ibig sabihing wala na siyang dapat gawin para sa atin. Yun ang ibig sabihin ng pagiging Cristo o Messiah niya, ayon sa sa sagot ng Heidelberg Catechism sa Question 31: Christ “makes continual intercession with the Father for us…governs us by his word and Spirit, and who defends and preserves us in that salvation he has purchased for us.” Present tense lahat ‘yan. Patuloy na namamagitan sa atin at sa Ama, patuloy na namamahala, patuloy na nagtatanggol at nag-iingat sa atin. Yung opisina niya bilang King, Prophet, Priest para sa kanyang church ay hindi pa sarado, nananatiling nakabukas sa kanyang pag-upo sa kanan ng Diyos.
Christ as Our King. As King, napakalaki ng implication at comfort nito sa atin as a church. Sinabi ni Pablo tungkol sa kanyang pag-upo sa kanan ng Diyos.
Mula roon ay namumuno si Cristo sa lahat ng paghahari, kapamahalaan, kapangyarihan, at pamunuan sa kalangitan. Higit na dakila ang kanyang pangalan kaysa sa lahat, hindi lamang sa panahong ito kundi maging sa darating. Ipinailalim ng Diyos sa paa ni Cristo ang lahat ng bagay, at ginawa siyang ulo ng lahat ng bagay para sa iglesya, na siyang katawan ni Cristo, ang kapuspusan niya na pumupuno sa lahat ng bagay. (Eph. 1:20-23 MBB)
Yung paghahari niya na sakop ang lahat ay nakakatakot kung ikaw ay non-believer, kung ikaw ay wala sa panig niya. He is a terrifying King sa kanyang pagbabalik, and Judge tulad ng makikita natin next week. Pero sa lahat ng nasa panig niya, tayong mga nakay Cristo, talaga naman good news ito, comforting at nakapagpapalakas ng loob. Lalo na ngayon ang dami nating pinagdadaanan. Pero hindi pandemic ang magsasara ng church, hindi ang mga struggles natin sa kasalanan ang magpapabagsak sa atin, hindi ang mga problema sa buhay ang makapagpapahina sa atin. We have King Jesus on our side. Siya ang ating Defender and Protector. Siya ang nangako, “I will build my church and the gates of hell shall not prevail against it” (Matt. 16:18).
Christ as Our Prophet. Aside from defending and protecting us against our enemies, paano pa ginagawa ni Jesus ang pamamahalang ito sa atin? Kaugnay rin ng office niya as a Prophet. He “governs us by his word and Spirit” (HC Q31). Ang Espiritu ang ipinadala ni Cristo, na galing din sa Ama, siya ang Espiritu ng katotohanan, siya ang magtuturo sa atin kung sino si Cristo sa pamamagitan ng pagbibigay-liwanag sa mga nakasulat sa Bibliya na pinapakinggan at pinag-aaralan natin (John 14:26; 15:26; 16:13-14). Pag-aaralan pa natin ang tungkol sa Holy Spirit later sa series. Pero ngayon mahalaga na marealize natin ang kahalagahan ng Salita ng Diyos na bigay ni Cristo sa atin. Yes, nangako si Cristo na poprotektahan tayo, at ang paraan na ginagamit niya ay ang kanyang Salita. So, kung hindi natin ito papakinggan, pag-aaralan, at paglalaanan ng panahon at atensyon, hindi yun makakabuti sa atin.
We have to take advantage and make good use of the means of grace he has provided for us. Ang mga tagapagturo ng Salita ng Diyos tulad ng mga pastors, elders at iba pang Bible teachers natin—dito man sa church natin, o sa mga online resources, at mga books na isinulat ng mga buhay pa at mga patay na—ay paraan din ng Diyos para sa ikatitibay ng pananampalataya natin. Regalo sila ni Cristo sa atin. Sinabi ni Pablo na biyaya o regalo sila ni Cristo sa atin, resulta ng kanyang pag-akyat sa langit (Eph. 4:8). Pinagkaloob niya ang Espiritu, na nagbigay ng mga spiritual gifts, at pati yung mga leaders natin tulad ng mga elders at deacons ay mga regalo ng Diyos sa atin, “to equip the saints for the work of the ministry, for building up the body of Christ” (Eph. 4:11-12).
Kung sila ay regalo sa atin, ganito ang sabi ni Jonathan Leeman sa Balik Tayo sa Church:
Purihin ang Diyos dahil ibinigay niya sa atin ang ating mga eldes at deacons bilang mga regalo na galing sa kanya…mga regalo. Mahal ka ng Diyos, at ibinigay niya sa iyo ang mga regalong ito: elders at deacons. Regalo nga ba na galing sa Diyos ang tingin mo sa kanila? Pinagpapasalamat mo ba sa Diyos ang mga regalong ito? Dapat lang. Ginagawa nil ang mga bagay na ginagawa nila para sa ikabubuti mo at sa ikalalaganap ng ebanghelyo. Mabigat ang responsibilidad na ibinigay ng Diyos sa kanila: “nangangalaga sa inyo, at mananagot sila sa Diyos sa gawaing ito” (Heb. 13:17). Maaari natin silang pagkatiwalaan na gawin ang trabaho nila—at sumunod sa kanila—kung nagtitiwala rin tayo na alam at nakikita ng Diyos ang lahat at, sa bandang huli, sa kanya rin sila mananagot (p. 192).
Mananagot kami. Pero mananagot ka rin bilang member ng church. We also reflect Christ’s prophetic office, kung sinasalita rin natin ang Salita ng Diyos sa bawat isa, “speaking the truth in love, we are to grow up in every way into him who is the head” (v. 15). So, kung hindi ka umaattend sa church, hindi ka involved sa ministry of building up the church, kung hindi ka nakikinig sa mga elders ng church, nagrerebelde ka kay Cristo na nakaupo sa kanan ng Diyos. Wag mong balewalain itong mga regalo at responsibilidad na bigay ng Diyos. Para sa ikabubuti natin ito.
Christ as Our Priest. Yung priestly sacrifice ni Cristo sa krus ay natapos na. Pero nananatili siya bilang ating High Priest. Posible ito kasi nga nananatili siyang tao, with a nature like us. So hanggang sa langit, sa kanan ng Diyos, perfect Mediator siya para sa atin. So sa kanyang session, isang crucial work niya ay yung kanyang intercession. Ayon kay Beeke, dito dumadaloy ang lahat ng biyayang natatanggap natin mula sa kanya, “Though his sacrifice is the foundation of our salvation, his intercession is central to its application, for Christ ever lives as the Mediator of the new covenant, and all grace comes to us through him” (Joel Beeke, RST, 2:1088). Dahil siya ay tunay na tao at tunay na Diyos, sa kanyang pag-akyat sa langit ay pumasok siya sa presensiya mismo ng Diyos “on our behalf” (Heb. 9:24), as our representative, as our high priest, as our mediator.
Ano ang ibig sabihin nito para sa atin? Kung may pagdududa sa puso mo at panghihina ng pananampalataya, dahil nandun na si Jesus sa langit as our “great high priest,” “let us hold fast our confession” (Heb. 4:14). Dahil dinanas niya bilang tao ang mga dinanas natin, naiintindihan niya ang mga kahinaan natin, “let us then with confidence draw near to the throne of grace, that we may receive mercy and find grace to help in time of need” (v. 16). Kung nag-aalinlangan ka kung matatapos mo ang takbuhin at mananatili kang sumasampalataya hanggang wakas, doubt no more. Bakit? Si Jesus ang ating high priest “forever,” kaya “lubusan niyang maililigtas ang lahat ng lumalapit sa Diyos sa pamamagitan niya, sapagkat siya'y nabubuhay magpakailanman upang mamagitan para sa kanila” (Heb. 7:25 MBB). Kung nagkakasala tayo, minsan nagdududa tayo kung katanggap-tanggap pa ba tayo sa Diyos, kung mapapatawad pa ba niya tayo, o baka naubos na ang pasensiya ng Diyos sa atin. Tandaan natin ‘to: “Kung magkasala ang sinuman, may Tagapagtanggol tayo sa Ama, si Jesu-Cristo, ang matuwid” (1 John 2:1). Kung siya ang Tagapagtanggol natin, our Defense Attorney, walang anumang kaso ang maaaring isampa ng Kaaway laban sa atin para ibalik tayo sa kahatulan ng Diyos. “Who is to condemn? Christ Jesus is the one who died—more than that, who was raised—who is at the right hand of God, who indeed is interceding for us” (Rom. 8:34).
Ibig sabihin din nito, hindi na tayo dapat humanap pa ng iba bukod kay Cristo. Siya ang ating Intercessor. Napakalaking comfort nito sa atin. Anumang pagbagsak ang maranasan natin, hawak-hawak tayo ni Cristo, at nananalangin siya para sa atin. Tulad ng sinabi niya kay Pedro, “But I have prayed for you (singular) that your faith may not fail. And when you have turned again, strengthen your brothers” (Luke 22:32). 100% effective ang prayer niya para sa atin. Wala nang ibang nasa langit, hindi ang mga anghel, hindi si Mary, hindi ang mga “saints,” ang nasa kanan ng Diyos. Si Cristo lang ang Mediator, hindi na natin kailangan ng pagiging “Mediatrix” ni Mary para malapit tayo sa Mediator. Sapat si Cristo. Nag-iisa si Cristo sa puwento bilang Mediator.
Ito ang emphasis ng Belgic Confession sa Article 26, “We believe that we have no access to God except through the one and only Mediator and Intercessor.” Kaya nga ang Diyos Anak naging tao, “uniting together the divine and human natures, so that we human beings might have access to the divine Majesty. Otherwise we would have no access.” Yes, he is great, pero hindi tayo dapat matakot sa kanyang “greatness,” at maghanap pa ng ibang mediator para makapunta tayo sa Mediator. Wala ka namang ibang makikita na tulad niya.
Suppose we had to find another intercessor. Who would love us more than he who gave his life for us, even though “we were enemies”? (Rom. 5:10) And suppose we had to find one who has prestige and power. Who has as much of these as he who is seated at the right hand of the Father, (Rom. 8:34, Heb. 1:3) and who has “all authority in heaven and on earth”? (Matt. 28:18) And who will be heard more readily than God’s own dearly beloved Son? So, the practice of honoring the saints as intercessors in fact dishonors them because of its misplaced faith...Why should we seek another intercessor? Since it has pleased God to give us the Son as our Intercessor, let us not leave him for another—or rather seek, without ever finding.
Hindi ibig sabihin nun na hindi na tayo mananalangin para sa mga kasama natin sa church o sa mga non-Christians na gusto nating maligtas. Hindi ibig sabihin na hindi na tayo hihingi ng prayers ng iba. Iba yun sa ginagawa ng ibay kay Mary at sa mga “santo.” Kasi itong intercession natin for one another ay ministry na iniwan ni Cristo para sa isa’t isa. We are a “royal priesthood” (1 Pet. 2:9), remember? Nakikipag-isa tayo kay Cristo sa panalangin sa bawat isa sa pamamagitan ng Espiritu na nasa atin. Kaya napakahalaga ng leading role ng mga elders in praying for our members by name, para magsilbing halimbawa para kayo rin ay ipanalangin ang bawat isa by name. But we will fail in praying for others, at minsan hindi natin alam kung ano ang dapat ipanalangin sa bawat isa. At minsan may season na wala kang marereceive na mga messages na others are praying for you. Iniisip mo, meron kayang nagpepray para sa atin? Yes, meron. Jesus never fails to pray for you. And his prayers for you will never fail. Tandaan mo ‘yan.
Conclusion
Conclusion
Hindi man tayo magkaroon ng “Ascension Day.” Hindi man ito maging kasing-importante sa atin ng Christmas o Holy Week, dalangin ko na ilagay natin palagi sa puso natin ang kahalagahan na si Jesus ay umakyat sa langit at ngayon ay nakaupo sa kanan ng Diyos. Buhay at kalubusan ng kaligtasan natin ang nakasalalay dito. Kaya anuman ang bumabagabag sa puso mo ngayon, take heart, kapatid ko kay Cristo. Nandun na si Cristo sa langit. Ipinaghahanda ka ng lugar na pagdadalhan sa ‘yo balang araw, sa kanyang pagbabalik (John 14:2-3). Para lang ito sa mga nakay Cristo. So, if you are not yet a Christian, put your faith in Christ now. Siya ang kailangan mo. Siya lang, wala nang iba.
Kapatid ko kay Cristo, uulitin ko, naghahanda siya ng lugar para sa ‘yo. At hindi lang yun. Sa pamamagitan ng Espiritu na nasa iyo, inihahanda ka rin para sa lugar na inilaan niya para sa ‘yo. Pinalalakas ka. Pinatitibay ka. Pinapadalisay ka. Kung si Cristo ay nasa langit, doon ka sa itaas tumingin. Huwag kung saan-saan, kung kani-kanino.
Ituon natin ang ating paningin kay Jesus. Sa kanya nakasalalay ang ating pananampalataya mula simula hanggang katapusan. Dahil sa kagalakang naghihintay sa kanya, hindi niya inalintana ang kahihiyan ng pagkamatay sa krus, at siya ngayo'y nakaupo sa kanan ng trono ng Diyos (Heb. 12:2 MBB).
Yamang binuhay kayong muli na kasama ni Cristo, ituon ninyo ang inyong pag-iisip sa mga bagay na nasa langit na kinaroroonan ni Cristo, na nakaupo sa kanan ng Diyos. Ang mga bagay na panlangit ang isaisip ninyo, hindi ang mga bagay na panlupa, sapagkat namatay na kayo at ang inyong buhay ay nakatago sa Diyos, kasama ni Cristo. Si Cristo ang inyong buhay, at kapag siya'y nahayag na, mahahayag din kayong kasama niya at makakahati sa kanyang kaluwalhatian (Col. 3:1-4 MBB).